3 rehiyon sa bansa tumaas ang COVID-19 cases

Tumaas ang COVID-19 cases sa 3 rehiyon sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Tinukoy ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga rehiyon na ito na Bicol region, Zamboanga peninsula at MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan).

Sa datos ng DOH, nakapagtala ang Bicol region ng 43,712 kumpirmadong kaso noong October 6. May 3,311 aktibong kaso at 680 naman ang nasawi.

Sa Zamboanga peninsula ay nakapagtala ng 43,298 na COVID-19 cases. May 2,786 aktibong kaso at 831 naman ang namatay.

Naitala naman ang 29,960 kaso ng COVID-19 sa MIMAROPA kung saan 2,003 dito ang aktibo at  nasa 688  ang nasawi.

Kaso sa NCR

Sa kabilang banda, sinabi ni Vergeire na patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

“While we are seeing a negative growth in the National Capital Region, we would like to reiterate that this is the time that we should continue hammering on our COVID-19 response para tuluyang bumaba na ang bilang ng mga nagkakasakit,” pahayag ni Vergeire.

Nanawagan naman ang DOH sa publiko na sumunod sa health protocols na ipinatutupad sa bansa.

Sa kasalukuyan, may 2,632,881 naman ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

(Toni Tambong)

The post 3 rehiyon sa bansa tumaas ang COVID-19 cases appeared first on News Patrol.



3 rehiyon sa bansa tumaas ang COVID-19 cases
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments