(Photo courtesy: Screegrab Comelec FB Live/Comelec Twitter)
Marami ang humabol ngayon, October 8, ang huling araw na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) para maghain ng Certificate of Candidacy sa darating na 2022 elections.
Dumating ang mga kilalang personalidad sa telebisyon at pulitika para ihain ang kanilang COC sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Hotel sa Pasay City.
Isa na rito si Senator Kiko Pangilinan na napiling running mate ni VP Leni Robredo na opisyal na kandidato ng Liberal Party sa darating na eleksyon.

Nasorpresa naman ang publiko kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa nang mag-file siya ng COC bilang presidente sa ilalim ng partidong PDP-Laban.
(Photo courtesy: Sen. Dela Rosa office)
Si Dela Rosa na ngayon ang standard bearer ng PDP-Laban nan ka-tandem ni Senator Bong Go.
Naghain din ang kilalang broadcaster at dating vice president na si Noli de Castro ng COC bilang Senador.

Nag-file din si Senator Sherwin Gatchalian ng COC para tumakbo sa ikalawang termino sa senado.
Nagsumite rin ng COC si Angricultue Secretary Manny Pinol at Rep. Rodante Marcoleta na magtatangkang makakuha ng pwesto sa senado.
Humabol din sa paghahain ng kaniyang COC ang aktor na si Robin Padilla na tatakbong senador sa 2022 elections.
Hanggang pasado alas 6:00 ngayong gabi, tinanggap pa rin ng COMELEC ang mga naghahain ng COC dahil nakaabot sila sa pila bago mag-alas 5:00 ng hapon.






The post Mga kakandidatong humabol sa huling araw ng paghahain ng COC appeared first on News Patrol.
Mga kakandidatong humabol sa huling araw ng paghahain ng COC
Source: Trending Filipino News
0 Comments