Mahigit dalawang milyon doses ng Pfizer vaccine na donasyon ng America, natanggap ng bansa

(Photo courtesy: Danilo Bacolod)

Natanggap ng bansa ang karagdagang 2,098,980 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine na  lumapag sa bansa kagabi, Linggo.

Ang nasabing shipment ay donasyon ng Amerika sa pamamagitan ng global vaccine-sharing COVAX facility.

Bandang alas-10 ng gabi nang dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Nasa 100,528,240 COVID-19 vaccine doses na ang ang natatanggap ng Pilipinas simula nang pasinayaan ang vaccination program noong March.

Umabot naman sa 62.67 milyon doses ng bakuna ang binili ng gobyerrno habang 7.98 milyon doses ang nabili ng pribadong sector at local government units.

Nagmula naman sa COVAX facility ang 24.33 milyon doses at pumalo sa 5.53 milyon doses ang donasyon ng ibang mga bansa.

(Toni Tambong)

The post Mahigit dalawang milyon doses ng Pfizer vaccine na donasyon ng America, natanggap ng bansa appeared first on News Patrol.



Mahigit dalawang milyon doses ng Pfizer vaccine na donasyon ng America, natanggap ng bansa
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments