(Photo: Dindo Bacolod)
Mahigit 970,000 doses ng Pfizer vaccines ang dumating sa bansa kagabi.
Ang malaking bahagi ng nasabing bakuna ay ilalaan sa vaccine rollout ng mga menor de edad o adolescent population na sisimulan ulit sa November 3.
Ayon kay NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., bubuksan ng gobyerno ang nasa 162 na mga ospital para sa nationwide minor vaccination.
“We have already announced that more or less 162 hospitals, and hospital base and non-hospital base vaccination sites will participate, so 162 all of them and we expect that we will be having more jabs to be given during those days,” dagdag pa ni Galvez.
Ang bagong batch ng mga bakuna na dumating ay binili ng pamahalaan sa tulong ng Asian Development Bank o ADB.
Ayon pa kay Galvez, inaasahan nila na dahil dito ay mas tataas pa ang pagbabakuna sa November.
Tinatayang nasa 12.7 million ang bilang ng mga 12 to 17 years old.
Dagdag pa ni Galvez, umaasa sila na kalahati ng populasyon ng menor de edad ay mababakunahan na sa susunod na buwan.
Maaari naman aniyang magsimula na sa mid-November ang vaccine rollout para sa booster shot.
“We might start vaccinating our healthcare workers for the boosters and also for the those people who are immunocompromised, so nakita namin most likely the EUA will come out maybe first week or second week of November.
Kung sakali naman aniyang dumating sa second week ng November ang EUA para sa third dose kinakailangan pa aniyang hintayin ang guidance na magmumula sa World Health Organization.
Inaasahan naman na maaabot na ng Pilipinas ang 100 million doses na delivery ng bakuna sa bansa oras na dumating ang dalawa pang batch ng Covid -19 vaccines ngayong araw.
(NP/with report from Toni Tambong)

The post Mahigit 970K doses ng Pfizer vaccines na dumating, ituturok sa mga menor de edad appeared first on News Patrol.
Mahigit 970K doses ng Pfizer vaccines na dumating, ituturok sa mga menor de edad
Source: Trending Filipino News
0 Comments