Pumalag ang kampo ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kumalat na emergency alert text blast kahapon, kasabay pagpa-file niya ng Certificate of Candidacy.
Ang nasabing text alert ay sumusuporta sa kandidatura ni Marcos para sa 2022 elections.
Miyerkoles nang umaga ng makatanggap ang ilang mga malapit paligid ng Sofitel Hotel tent ng text blast tungkol kay Marcos kasabay ng kanyang paghahain ng Certificate of Candidacy sa pagkapangulo.
Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, chief of staff ni Marcos, hindi galing sa kanila ang iligal na ipinadalang mga emergency alert at ito ay parte umano ng demolition job laban kay Marcos.
Giit pa niya, maging ang pamilya Marcos ay nakatanggap ng nasabing mensahe.
“We should not tolerate any group or groups underhanded moves to trivialize this very special tool meant to forewarn every single Filipino of an impending, actual or post disaster event or scenario,” pahayag ni Rodriguez.
“To those behind this despicable deed, we appeal that you do not please mess with functioning government system that is purposely meant to save lives just so you may advance your agenda of derailing the candidacy of presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,” dagdag pa niya.
Dahil dito, nagkasa agad ng imbestigasyon ang National Telecommunications Commission (NTC) sa nasabing isyu at sinabi ni Rodriguez na iniimbestigahan din nila ito.
Ayon sa NTC, tanging ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang may kakayahan na legal na makapagpadala ng emergency text messages.
Agad ding nilinaw ng NDRRMC na hindi ito galing sa kanila.
Hinala ng NTC, naipadala ang text blast sa pamamagitan ng iligal na “portable cell sites.”
(Toni Tambong)
The post Kampo ni Bongbong Marcos, pumalag sa kumalat na emergency alert na pabor sa kanya appeared first on News Patrol.
Kampo ni Bongbong Marcos, pumalag sa kumalat na emergency alert na pabor sa kanya
Source: Trending Filipino News
0 Comments