Pilipinas, kulelat sa listahan ng mga bansa sa global COVID recovery index ng Nikkei Asia

Bumagsak sa pinakahuling pwesto ang Pilipinas sa 121 mga bansa sa Nikkei Asia COVID recovery ranking ngayong buwan.

Matatandaang kamakailan lang nang nangulelat din ang Pilipinas sa COVID Resilience Ranking ng Bloomberg.

Ang nasabing mga ranking ay sumusuri sa mga bansa sa naging mga aksyon nito sa pagbangon kontra sa epekto ng COVID-19 pandemic.

(Photo courtesy: Nikkei Asia Twitter)

Nakasaad sa COVID-19 Recovery Index ng Nikkei Asia, ang Pilipinas pa rin ang may pinakamababang vaccination rate na aabot pa lang sa 30% ng kwalipikadong populasyon ng bansa ang kumpletong bakunado hanggang nitong September 30.

Base pa rin sa index ay “low even among ASEAN countries” ang Pilipinas.

“The country is gradually easing restrictions on businesses to revive the economy, allowing gyms to reopen and increasing restaurant dining and salon capacities for vaccinated individuals,” dagdag pa sa index.

Pinagbasehan ng Nikkei Asia ang mga pamantayan tulad ng infection management, vaccine rollouts, social mobility at score na 0 hanggang 90 kung saan nakakuha ang Pilipinas ng 30.5 puntos at napunta sa ika-121 pwesto.

Sa ASEAN countries, ang Indonesia (54th) ang pinakamataas at sinundan ng Singapore (70th), Cambodia (76th), Malaysia (102th), Myanmar (105th) at Thailand (109th).

Ang Vietnam na dating pinakakulelat ay tumaas sa ika-118.

Pumangalawa sa pinakakulelat sa 121 bansa ang Laos.

Ang China naman ang nanguna mula sa ika-siyam na pwesto.

(Toni Tambong)

 

 

 

The post Pilipinas, kulelat sa listahan ng mga bansa sa global COVID recovery index ng Nikkei Asia appeared first on News Patrol.



Pilipinas, kulelat sa listahan ng mga bansa sa global COVID recovery index ng Nikkei Asia
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments