House-to-house vaccination, ikakasa na ng LGUs

(Photo Courtesy: Taguig.gov.ph)

Ikakasa na ng local government units (LGUs) ang pagbabahay-bahay na pagbabakuna kontra COVID-19 o house-to-house vaccination, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.

“’Yung mga house-to-house na mga strategy ng ating local governments ay mga innovation nila iyon so kanya kanya silang creativity. Anything that would facilitate and expedite the inoculation is encouraged to all LGUs,” sabi ni Assistant Secretary Wilben Mayor, pinuno ng sub-task group on current operations ng NTF,  sa mga reporter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

“Ang mga vaccinators ang pumupunta na sa mga bahay-bahay. Alam naman natin ang mga seniors hindi makakapunta sa lugar ng mga inoculation so sila na mismo ang pumupunta,” aniya.

Nakuha ang nasabing ideyang nang utusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang local chief executives na pabilisin ang pagbabakuna lalo na at sapat ang suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa.

“We have so many supplies of vaccines coming in kaya kailangan ma-push natin ‘yon,” giit ni Mayor.

Umabot na sa 101,501,680 doses ang suplay ng bakuna sa pagdating ng Pfizer jabs. Naipamahagi naman ng gobyerno ang 58,879,887 doses nitong Biyernes, samantalang ang natitirang halos 43 milyong bakuna ay nakatago sa warehouses.

(Toni Tambong)

The post House-to-house vaccination, ikakasa na ng LGUs appeared first on News Patrol.



House-to-house vaccination, ikakasa na ng LGUs
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments