Umabot sa all-time high ang bilang ng namatay sa COVID-19 sa Pilipinas na pumalo sa 423 ngayong araw, October 30.
Ito ang pinakamataas sa isang araw magmula nang mag-umpisa ang pandemiya, ayon sa pinakabagong report ng Department of Health (DOH).
Ikalawang pinakamataas na COVID deaths sa bansa ay naitala noong April 9 na pumalo sa 401.
Nakapagtala naman ang DOH ng 4,008 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.
Bahagyang pagbaba ito kumpara kahapon sa bilang na 4,043.
Dahil dito, umakyat na sa 2,783,896 ang kabuuang kaso ng nahawahan ng virus sa bansa.
Mayroon namang naitalang 6,887 na gumaling.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.7% (47,690) ang aktibong kaso, habang nasa 96.7% (2,693,162) na ang gumaling, at 1.55% (43,044) naman ang ang namatay.

Ayon sa pinakabagong ulat ng DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 28, 2021 habang may apat na laboratory ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
(NP)
The post 423 COVID-19 deaths ngayong araw, record-high sa Pilipinas magmula ang pandemya appeared first on News Patrol.
423 COVID-19 deaths ngayong araw, record-high sa Pilipinas magmula ang pandemya
Source: Trending Filipino News
0 Comments