(Photo courtesy: Manila PIO)
Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 ang pagpapalabas ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine certificates para sa domestic travel, ayon sa Malakanyang kahapon, October 29.
“Inaprubahan ang rekomendasyon na buksan na ang pag-request ng COVID-19 digital vaccination certificates para sa domestic travel rin,” pahayag ni MalacaƱang spokesman Harry Roque sa isang press briefing.
Naunang binuksan ang pagre-request ng vaccination certificates mula sa VaxCertPH na limitado lamang noon para sa mga outbound migrant workers.
Dagdag pa ni Roque, lahat ng local government unit na walang sariling electronic vaccine administration system ay kinakailangang gamitin ang system ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang itala ang lahat ng inoculation information.
Ayon pa kay Roque, inatasan ng COVID-19 task force ang DICT na magbigay ng update dalawang beses sa isang linggo ukol sa regional submission ng vaccination data.
Sa kasalukuyan ay nasa 26.8 milyon na ang fully vaccinated sa Pilipinas mula sa 109 milyong populasyon.
(Toni Tambong)
The post COVID vaccination certificates puwede nang i-request ng domestic travelers appeared first on News Patrol.
COVID vaccination certificates puwede nang i-request ng domestic travelers
Source: Trending Filipino News
0 Comments