P8.62 M halaga ng Ecstasy at Ketamine, nasabat

(Photo courtesy: BOC)

Aabot sa mahigit P8.62 milyon ang halaga ng nasabat na iligal na droga sa tatlong magkakahiwalay na kargamento sa Pasay City, ayon sa Bureau of Customs (BOC).

Galing sa Netherlands ang unang kargamento na nakatago sa liham na naka-address sa isang umano’y “Angeli Khang” mula Tondo, Manila.

Ang pangalawa ay galing sa Germany na nakatago sa mesa na nakapangalan sa isang umano’y “Patricia Reyes” at idineklera bilang toys, school bags, children’s shoes at iba pa.

Nagmula naman sa Malaysia ang ikatlong kargamento na naka-consigne sa isang umano’y “Ferdie Santos”. Ang iligal na droga ay nakatago sa water filter.

Nakumpirma sa isinagawang field test na Ecstasy at Ketamine ang mga nasabat.

Sa unang kargamento, 100 piraso ang nadiskubreng Ecstasy o party drugs na may street value na P170,000.

Umabot naman sa 4,447 piraso ng Ecstasy na may halagang P7,559,900 ang pangalawang shipment.

Sa pangatlong shipment, nakuha ang tinatayang nasa 178.5 gramo ng Ketamine na may street value na P892,500.00.

Itinurn-over na kahapon, October 29, ang mga iligal na droga sa PDEA para sa profiling at case build-up laban sa mga consignee at iba pang personalidad na posibleng sangkot sa paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

 

The post P8.62 M halaga ng Ecstasy at Ketamine, nasabat appeared first on News Patrol.



P8.62 M halaga ng Ecstasy at Ketamine, nasabat
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments