Higit 900K Pfizer vaccine doses, natanggap ng bansa mula sa Amerika

(Photo courtesy: PNA)

Nadagdagan pa ang suplay ng bakuna sa bansa sa pagdating nang mahigit 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility ngayong hapon, October 10.

Pasado alas 4:00 ng hapon nang lumapag ang Emirates flight sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 lulan ang 918,450 Pfizer vaccines.

Ayon kay Heather Variava, ang ChargĂ© d’Affaires ng US Embassy sa Manila, mayroon nang 21 milyong vaccine doses na donasyon ang Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Bukas ng hapon ay inaasahan na darating ang panibagong batch ng 924,300 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Sa ngayon, ang nababakunahan pa lamang sa Pilipinas ay mahigit 20 milyong Pinoy pa lamang.

Target naman ng gobyerno na mabakunahan ang mahigit 70 milyong Pilipino upang maabot ang population protection at makapagbukas muli ang ekonomiya ng ligtas.

March nang simulan ang vaccination program ng gobyerno na nag-umpisa sa hanay ng mga priority groups.

Sa October 15 naman, nakatakdang simulan na rin ang pagbabakuna sa mas nakababatang populasyon na may edad 12 hanggang 17.

Kabilang sa mga brands ng COVID-19 vaccines na natanggap ng Pilipinas ay gawa ng Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson, Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V.

(Jocelyn Domenden)

The post Higit 900K Pfizer vaccine doses, natanggap ng bansa mula sa Amerika appeared first on News Patrol.



Higit 900K Pfizer vaccine doses, natanggap ng bansa mula sa Amerika
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments