Na-shock o nagulat ang kampo ni Vice-President Leni Robredo sa mga birada ni Manila Mayor Isko Moreno na tumatakbo rin bilang presidente sa darating na 2022 elections.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, nagulat ang kanilang kampo sa mga patutsada ni Mayor Isko laban kay VP Leni dahil si Robredo naman ay nirerespeto umano ang alkalde.
Patunay umano rito ang hindi pagbibigay ng detalye ni Robredo sa kanilang naging usapan maging ng iba pang pulitiko dahil na rin sa pagrespeto niya sa kanila.
“So nagulat kami na sa kabila ng ganitong klaseng napakalinaw na pahayag mula sa ating Bise Presidente, ay biglang mayroong ganitong medyo maanghang na salita galing kay Mayor Isko. May mga pahapyaw pa siyang parang halos insulto kay VP Leni. Ganoong sa panig ni VP Leni, klarong klaro na all she has for kay Mayor Isko mismo is respect,” ayon sa interview kay Gutierrez sa One PH kamakailan.
“In fact, that’s why hindi nila pinasok ‘yung detalye ng kanilang pag-uusap dahil nga nirerespeto niya at ino-honor niya ‘yung kanilang pag-uusap nitong nakaraang linggo,” he added.
Sa isang press conference din noong Biyernes ay pinuna ni Moreno si Robredo dahil sa pagsusulong umano ng unity samantalang nagdesisyon siyang maging independent candidate sa halip na tumakbo sa ilalim ng Liberal Party na kanya misnong partido.
“You cannot talk of unity, you yourself, hindi mo nga ma-unify ang sarili mo,” sabi pa ni Moreno kay Robredo.
“You’re not even proud of your party. Oh my God. How can you…kung kaya mong iwanan ang mga kasama mo, paano pa kaya kaming mga 110 million Filipinos [if you can abandon your colleagues, how much more we 110 Filipinos]?” dagdag pa ni Mayor Isko.
Kinuwestiyon din niya ang rason o dahilan ni Robredo sa pagtakbo bilang presidente dahil tila ang layunin niya sa pagtakbo ay ang pagpigil lamang sa pagbabalik ng mga Marcos sa kapangyarihan.
(NP)
The post Kampo ni VP Leni, na-shock sa mga batikos ni Mayor Isko appeared first on News Patrol.
Kampo ni VP Leni, na-shock sa mga batikos ni Mayor Isko
Source: Trending Filipino News
0 Comments