(File)
Itutuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang voters registration simula bukas, October 11 para sa mga bagong botante.
Ang voters registration ay pansamantalang itinigil upang bigyang daan ang filing ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) mula October 1 hanggang October 8.
Sa pagpapatuloy ng voters registration, umaasa ang Comelec na marami pang botante na nais lumahok sa 2022 elections ang makapagpaparehistro.
Tatagal ang voters registration hanggang October 30.
Ito ay matapos palawigin dahil na rin sa panawagan ng publiko at ng mga mambabatas.
Bubuksan din ang mga satellite registration centers sa mga mall para sa mga magpaparehistro.
Bukas ang Comelec simula Lunes hanggang Biyernes maliban sa October 30 na nagkataon na araw ng Sabado.
Ang voters registration ay magsisimula bandang alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, nasa 63,364,932 na ang mga nakapagparehistro na para sa darating na 2022 elections.
(Jocelyn Domenden)
The post Voters registration, itutuloy ng Comelec simula bukas, October 11 appeared first on News Patrol.
Voters registration, itutuloy ng Comelec simula bukas, October 11
Source: Trending Filipino News
0 Comments