(File photo)
Umabot na sa 12,958 na mga edad 12 hanggang 17 na may comorbidities sa Metro Manila ang naabot ng paunang roll-out ng pediatric vaccination kontra-COVID-19.
Ito ang iniulat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Martes, October 26.
Ayon sa kaniya, mula sa inisyal na walong ospital na nagsasagawa ng pediatric vaccination, nasa kabuuang dalawamput-anim na ospital na ito ngayon.
“We want to protect our children from severe disease and hospitalization. Kasi nakita natin noong Delta, almost 20 percent ang na-hospitalize na mga bata,” pahayag ni Galvez.
Idiniin niya ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga bata lalo na sa nalalapit na pagbabalik ng face-to-face classes.
Sa ganitong paraan, mas madali na rin aniyang mapayagan ang mga bata na makalabas ng bahay upang makapag-ehersisyo, na tulong na rin sa kanilang mental health.
(Toni Tambong)
The post Halos 13,000 na edad 12 hanggang 17, nabakunahan kontra COVID-19 appeared first on News Patrol.
Halos 13,000 na edad 12 hanggang 17, nabakunahan kontra COVID-19
Source: Trending Filipino News
0 Comments