(File Photo)
Umabot na sa 85% ng target population sa National Capital Region (NCR) ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa 85.79% o 8,387,179 indibidwal na ang nakakumpleto ng bakuna kontra sa nasabing sakit.
Matatandaang naging sentro ng COVID-19 outbreak ang Metro Manila noong mga nakaraang araw kung kaya’t naging prayoridad na mabakunahan ang mga residente ng rehiyon.
Sa buong bansa naman, may kabuuang 56.2 milyong COVID-19 vaccine doses na ang naipamahagi kabilang na ang 30.2 milyon na nakatanggap ng unang dose.
Nasa 33.65% naman mula sa target na 25.9 milyong indibidwal sa bansa ang fully vaccinated na.
Matatandaan na bukod sa naunang priority groups na dapat mabakunahan ay idinagdag na rin ang pagbabakuna sa general adult population at sa mga bata edad 12 hanggang 17.
(Toni Tambong)
The post 85% ng target population sa NCR, fully vaccinated na appeared first on News Patrol.
85% ng target population sa NCR, fully vaccinated na
Source: Trending Filipino News
0 Comments