Duterte, hinamon ang senado na tapyasan ang budget ng mga ahensiya ng gobyerno

Hinamon ni pangulong Duterte ang mga senador na tapyasan ang budget ng mga ahensya ng gobyerno nang one third para sa 2022.

Kaugnay ito nang utos kamakailan ng pangulo na huwag nang sumipot sa hearing hinggil sa COVID-19 response ng administrasyon.

Ayon kay Duterte, ang bantang ito ng mga senador ay isang pang-aabuso sa kapangyarihan.

“You threaten the budget of different agencies of the executive because the officials refuse to attend to your hearings. Ito ‘yung mga pang-abuso talaga, itong masabi ko sa gobyerno pagka demokrasya,” sabi ng pangulo sa kanyang Talk To The People.

“Itong (This) separation of powers, co-equal, and everything, and they threaten to paralyze the government, I challenge you, do it,” dagdag pa ni Duterte.

“Tignan mo, subukan mo, reduce it by one-third, I challenge you. ‘Wag kang matakot. Gawin mo. I-zero budget mo ang Office of the President, sige nga. Gawin mo daw,” hamon ng Pangulo.

At sakaling gawin ito ng senado, hindi naman umano niya pipirmahan ang national budget.

“Bakit, aabot ba ‘yang pera niyo kung hindi magdaan sa’kin? Eh kung hindi ako mag-release? Kala niyo kayo lang ang marunong.”

(NP)

The post Duterte, hinamon ang senado na tapyasan ang budget ng mga ahensiya ng gobyerno appeared first on News Patrol.



Duterte, hinamon ang senado na tapyasan ang budget ng mga ahensiya ng gobyerno
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments