(Photo: Dong Del Mundo)
Hinay-hinay sa balak na luwagan pa ang COVID-19 restrictions, partikular ang pagbabalik sa 100 percent capacity sa public transport.
Ito ang payo ni Philippine College of Physicians president Maricar Limpin sa isang pahayag.
“Medyo nakakapangamba pa po ‘yun, ‘yung sinasabi po na mabilisan na gagawin hong 100 percent, although naiintindihan ho namin yung kanilang sinasabi, ‘no, yung kanilang mungkahi at yung plano dahil sa bumababa nga po yung ating COVID-19 cases,” sabi ni Dr. Limpin.
Sakali umanong ibalik sa 100 percent ang public transport capacity, dapat maghanda ang bansa sa posibleng fourth wave ng COVID-19 cases.
Isang dahilan nito ay mawawala na kasi ang social distancing sakaling payagan na uling magpuno ang mga pampublikong sasakyan.
“So I think we just really have to brace ourselves for a possible fourth wave kung masyado ho tayong magiging mabilis ‘no doon sa mga pagluluwag ho natin,” ayon kay Limpin.
Dagdag pa ni Limpin, kahit bumababa na sa 3,000 ang naitatalang daily infections, ibig sabihin pa rin nito ay nandiyan pa ang virus at sigurado pang makahahawa.
Ipinunto rin ni Limpin ang bahagyang pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang mga bansa.
“Kasi yung global trend, ang napansin ho namin sa oras na ito po ay umakyat yung global trend, umaakyat, sumusunod po tayo doon sa global trend. ‘Pag bumaba, bumababa din po yung mga kaso dito sa ating bansa.”
Kaya pinayuhan ni Limpin ang gobyerno na huwag magpadalosdalos sa pagluluwag ng restrictions na ipinatutupad ngayon.
“So I would like to maybe recommend na siguro mag-isip-isip muna tayo. Hindi naman masama kung siguro ay palawigin pa natin yung current na measures na ginagawa natin yung interventions no,” saad ni Limpin.
(NP)
The post DOTr pinayuhan ng eksperto na maghinay-hinay sa planong 100% capacity sa public transport appeared first on News Patrol.
DOTr pinayuhan ng eksperto na maghinay-hinay sa planong 100% capacity sa public transport
Source: Trending Filipino News
0 Comments