Dayuhang manggagawa sa Jordan na hindi bakunado, pauuwiin

(Photo courtesy: Pixabay)

Nagbabala ang pamahalaan ng Jordan na pauuwiin nila ang sinumang dayuhang manggagawa na hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 hanggang sa kalagitnaan ng December.

“Strict measures will be taken against expatriate workers who have not received two doses of COVID vaccine, starting from December 15,” babala ng interior ministry ng Jordan.

Sa kasalukuyan ay mayroong libo-libong mga Egyptian, Filipino at iba pang nasyonalidad na nagtatrabaho sa naturang bansa.

Lahat sila ay prayoridad din ng pamahalaan doon na mabakunahan kontra COVID-19 ng libre.

“Get vaccinated free of charge and do not need to present a residence or work permit,” paalala ng ministry sa mga dayuhang manggagawa.

Nasa 3.5 milyong indibidwal na sa Jordan ang fully vaccinated kontra COVID-19 mula sa 10 milyon na kabuuang populasyon.

Naitala naman ng Jordan ang mahigit 859,000 kaso ng mga nagpositbo sa COVID-19 habang umabot naman sa 11,000 ang mga namatay.

(Toni Tambong)

The post Dayuhang manggagawa sa Jordan na hindi bakunado, pauuwiin appeared first on News Patrol.



Dayuhang manggagawa sa Jordan na hindi bakunado, pauuwiin
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments