Naitala sa Pilipinas ngayong araw, October 31 ang 3,410 na bagong kaso ng Covid-19.
Dahil dyan ay umabot na sa 2,787,276 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Mayroon namang naitalang 5,825 na gumaling at 128 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.6% (45,233) ang aktibong kaso, 96.8% (2,698,871) na ang gumaling, at 1.55% (43,172) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 29, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Una nang sinabi ng gobyerno na target nitong mabakunahan ang nasa mahigit na 77.1 million na Pilipino sa pagtatapos ng taon, at itinaas pa ang vaccination target sa 1.5 million kada araw.
Pero sinabi ng opisyal ng DOH na mayroong 50 percent lamang ng populasyon ng bansa ang maaring maging fully vaccinated bago sa pagtatapos ng taong 2021.
Samantalang ang target na 70 percent ng populasyon ay makakamit sa first quarter ng 2022.
Samantala, sa buong mundo naman ay ay nasa 246.4 million katao na ang na-infect ng novel coronavirus. Nasa 4.99 million naman ang namatay mula sa unang report nito sa Wuhan, China noong 2019, ayon sa Johns Hopkins Coronavirus Resource Center.
Ang United States pa rin ang pinaka-apektadong bansa ng Covid-19 kung saan mahigit sa 45.9 million ang nagka-Covid-19 at mahigit 745,000 naman ang namatay.

The post 3,410 na bagong Covid-19 cases, naitala ngayong araw, October 31 appeared first on News Patrol.
3,410 na bagong Covid-19 cases, naitala ngayong araw, October 31
Source: Trending Filipino News
0 Comments