(Photo Courtesy: screengrab from VOA News)
Good news naman para sa fans ng Squid game series, dahil isang replica ng Squid game doll na si Younghee ang dinadagsa ng fans ngayon sa South Korea,
Dinarayo kasi ngayon ng fans ng hit series na Squid game ang apat na metrong replica ng manyikang si Younghee sa Seoul Olympic Park.
Ayon sa mga opisyal ng parke, mananatili ang squid game doll na si younghee sa park hanggang November 21.
Ayon naman sa netflix, 142 million households na ang nanood ng squid game series mula ng ipalabas ito noong September 17.
Dahil na rin sa hit series, to nadagdagan pa ng 4.38 million new subscribers ang nasabing streaming app.
(NP)
The post Replica ng Squid game doll na Younghee, patok sa fans sa South Korea appeared first on News Patrol.
Replica ng Squid game doll na Younghee, patok sa fans sa South Korea
Source: Trending Filipino News
0 Comments