Comelec, pananagutin ang nasa likod ng BBM emergency text alert

Nangako ang Commission on Elections (Comelec) na gagwin ang mga paraan para panagutin ang nasa likod ng paggamit ng national emergency text system para sa partisan election campaign.

“Patuloy ang ating pag-aaral diyan para hanapin ang paraan para masita ‘yung gumawa nyan kasi napakapangit po ng ganyang gawain. Sabi nga natin reprehensible dahil emergency alert system ‘yan e. Parang ‘yan yung the boy who cried wolf. Sigaw ka nang sigaw, wala nang makikinig d’yan,” pahayag ni Comelec spokesman James Jimenez.

Matatandaang kumalat ang isang emergency text message nitong linggo  na naglalaman ng inisyal ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at may hashtag na #BBM2022.

Si Marcos na anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na kilala bilang diktador at markado sa pang-abuso sa karapatang pantao, pagpatay at pandarambong sa kaban ng bayan ay tatakbong presidenre sa 2022 elections.

Ang emergency elert message na naglalaman ng inisyal ni Marcos ay kumalat kasabay ng kaniyang paghahain ng certificate of candidacy sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Hotel sa Pasay City.

Itinanggi naman ng kampo ni Marcos na mayroon silang kinalaman sa insidente.

Ayon naman kay National Telecommunications Commission (NTC) Deputy Commissioner Edgardo Cabarios na hindi ipinadala ng national disaster council ang alert sa telcos.

Iniimbistigahan na rin ng NTC ang nasabing insidente.

Paliwanag naman ni Jimenez, kung nanggaling ang text alert sa kampo ng isang kandidato, hindi ito dahilan para madisqualify ang isang kandidato.

“Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto sa usapin na ‘yan, the emergency alert system is not even expressly prohibited from propaganda purposes. Wala pong ganyang klaseng probisyon,” dagdag pa ni Jimenez.

Naghain din ang Makabayan Bloc nitong Huwebes, Oct. 7, ng isang petisyon sa Kamara para imbestigahan ang “hijacking” ng alert system ng bansa.

 

 

The post Comelec, pananagutin ang nasa likod ng BBM emergency text alert appeared first on News Patrol.



Comelec, pananagutin ang nasa likod ng BBM emergency text alert
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments