(Photo: Pixabay)
Lumobo nang mahigit 25 % ang mga kaso ng depression at anxiety sa buong mundo sa unang taon ng COVID-19 pandemic, ayon sa isang bagong pag-aaral.
Partikular ito sa mga babae at kabataan.
Batay sa ulat ng Agence France Presse (AFP), sa pinakamalawak na pagsusuri sa buong mundo, nadagdagan ng 52 milyon ang kaso ng depression at 76 milyon ang nadagdag sa kaso ng anxiety, ayon sa The Lancet medical journal.
Tinatayang nasa 5 milyon na ang nasawi sa COVID-19 sa buong mundo simula 2019.
Ayon sa AFP report, pinakamatindi ang kaso ng depression sa mga bansang mataas ang bilang ng COVID-19 cases at limitado ang galaw ng mga tao dahil sa quarantine restrictions.
“Meeting the added demand for mental health services due to COVID-19 will be challenging, but taking no action should not be an option,” ayon kay Damian Santomauro ng University of Queensland’s School of Public Health sa ulat ng AFP.
Ang pag-aaral ay batay sa datos mula sa North America, Europe at East Asia.
Epekto sa kababaihan at kabataan
Lumalabas sa pagsusuri na pinaka-apektado ang mga babae at kabataan.
Sa gitna ng pandemiya, dumarami ang tungkulin ng mga kakabaihan sa kanilang pamilya, at dumarami rin ang nabibiktima ng domestic violence.
Limitado naman ang pagkakataon ng mga kabataang makasalamuha ang kanilang mga kaibigan dahil sa mga paghihigpit.
“It is crucial that policymakers take underlying factors such as these into account as part of measures to strengthen mental health services,” ayon kay Alize Ferrari ng University of Queensland sa ulat ng AFP.
(NP)
The post Depression at anxiety cases worldwide, nadagdagan ng higit 120 milyon dahil sa COVID-19 appeared first on News Patrol.
Depression at anxiety cases worldwide, nadagdagan ng higit 120 milyon dahil sa COVID-19
Source: Trending Filipino News
0 Comments