Pumanaw ngayong araw, Oct. 9, si Commission on Human Rights (CHR) chief Jose Luis “Chito” Gascon sa edad na 57.
Ayon sa facebook post ng kanyang kapatid na si Miguel, COVID-19 ang dahilan ng pagkamatay ng CHR chief.
“Sa dami mong laban, sa COVID pa tayo natalo,” post ni Miguel.
Si Gascon ay naitalaga sa CHR noong 2015.
Sa isang pahayag naman ng CHR, kinilala ng komisyon ang walang tinag at matapang na pagganap ni Gascon sa kanyang tungkulin sa gitna ng mga pag-atake laban sa kanya sa pagpapatupad ng mandato ng CHR.
Isa sa mga matitinding bumabatikos sa CHR ay ang mismong si Pangulong Duterte dahil na rin sa pagkondena ng ahensya sa drug war ng administrasyon.
The post Human Rights chief Chito Gascon, pumanaw na dahil sa COVID-19 appeared first on News Patrol.
Human Rights chief Chito Gascon, pumanaw na dahil sa COVID-19
Source: Trending Filipino News
0 Comments