Booster shots, kailangan pa rin ng EUA ayon sa DOH

(File photo)

Iginiit ng Department of Health na kailangan pa ring mag-aplay ng panibagong  Emergency Use Authorization (EUA) ang mga vaccine manufacturer para sa kanilang COVID-19 vaccine booster shots.

“Kailangan ng emergency use authorization from FDA for a booster shot kasi ‘yung inaplayan ng companies ngayon ay two doses lang ‘yan so if you are going to give a booster, dapat mag-apply din sila na pwedeng pang-booster ‘yung kanilang current vaccine na supply sa atin,” ani Health Undersecretary and National Vaccination Operators Center Myrna Cabotaje sa panayam ng dzBB.

Sa oras naman na makakuha na ng EUA ang vaccine manufacturers para sa booster shots ay uunahin ang mga senior citizen, healthcare worker at may comorbidities na bibigyan ng third dose o booster shots.

“We are asking our EUA holders na mag-apply na sila kung pwede sila magbigay ng third dose o booster.”

Ayon pa sa DOH, kailangan pa rin ng EUA para sa booster shots para mapatunayan ng vaccine manufacturers na ligtas pa ring ibigay ang mga bakuna sa ikatlong pagkakataon.

(Toni Tambong)

The post Booster shots, kailangan pa rin ng EUA ayon sa DOH appeared first on News Patrol.



Booster shots, kailangan pa rin ng EUA ayon sa DOH
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments