Pumalo na sa 2,713,509 ang naitalang bilang ng COVID-19 cases sa bansa mula nang magkapandemya noong isang taon.
Ngayong araw, October 16, may karagdagang 7,772 ang nagpositibo sa sakit na naitala ng Department of Health (DOH).
Nakapagtala rin ngayong araw ng 85,048 o 3.1 porsyento na kabuuang aktibong kaso sa bansa.
Mayroon naman 1,634 na gumaling at 156 ang nasawi.
Sa kabuuang bilang ng mga gumaling, umabot na ito sa 2,587,881 o 95.4 poryento at nasa 40,580 o 1.50% ang nasawi.
Ayon sa pinakabagong ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 14, 2021. Mayroon lamang 1 na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Samantala, ngayong araw din ipinatupad ang Alert Level 3 status sa Metro Manila dahil sa bumababang bilang ng mga kaso sa NCR.

(NP)
The post Naitalang bagong Covid-19 cases ngayong araw umabot sa 7,772 appeared first on News Patrol.
Naitalang bagong Covid-19 cases ngayong araw umabot sa 7,772
Source: Trending Filipino News
0 Comments