ALAMIN: Best at worst Filipino food, ayon sa TasteAtlas

(Photo: Pixabay)

Naglabas kamakailan ng poll ang food website na TasteAtlas upang malaman ang ranking ng pinakasikat na mga  pagkain sa buong mundo.

Sa TasteAtlas poll, pinulong ang mahigit isandaang libong boto mula sa pinakamababang score na 1 at pinakamataas ng score na 5.

Sa kategoryang world vegetable soups, kabilang ang sinigang sa best in the world na may score na 4.8.

Ang sinigang ay sabaw na pinaasim ng sampaloc o tamarind, at karaniwang may sangkap na baboy, kamatis, sibuyas, okra, labanos, kangkong at siling berde o siling pansigang. Puwede rin itong gamitan ng hipon, isda at iba pang sahog.

Ilan sa mga kahanay ng sinigang sa best world vegetable soups ang sopa de caracol ng Honduras, gamjatang ng South Korea at bak kut teh ng Malaysia.

(Photo: TasteAtlas)

Sa best and worst rated Filipino food naman, bukod sa sinigang ay nangunguna ang lumpiang shanghai sa score na 4.8.

Hango sa Chinese spring rolls, ang Pinoy lumpiang shanghai ay may malutong na balat at may palaman na giniling na baboy, baka o hipon, carrots, sibuyas at iba pang sahog.

Sikat din ang tocino na may score na 4.7. Ang tocino ay baboy na “cured” or may marinade na asukal, asin, sukay, toyo, at pineapple o orange juice.

Kabilang naman sa worst ay balut na may score na 2.6 at dinuguan na may score na 3.3, bagamat hindi maitatangging sa panlasang Pinoy, patok na patok ang balut at dinuguan.

(Photo: TasteAtlas)

Ayon sa kanilang website, ang TasteAtlas ay “encyclopedia” ng iba’t-ibang putahe at sangkap sa buong mundo. Umaabot na diumano sa 10,000 na mga pagkain at inumin ang kanilang naitala sa kanilang website.

(NP)

The post ALAMIN: Best at worst Filipino food, ayon sa TasteAtlas appeared first on News Patrol.



ALAMIN: Best at worst Filipino food, ayon sa TasteAtlas
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments