Bilang ng ipinanganak sa Pilipinas sa gitna ng pandemya, pinakamababa sa loob ng 34 taon

(Photo courtesy: MCU Hospital – Department of Pediatrics)

Bumaba ang bilang ng ipinanganak sa Pilipinas noong taong 2020 na pumalo sa 1,516,042 milyon.

Ito ang pinakamababang bilang sa loob ng 34 taon, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), mas mababa ito sa naitalang 1.675 milyon noong 2019.

Huling nakapagtala ng pinamababang bilang ng ipinanganak noong 1986 na may 1,493,995 births, dagdag pa ng PNA report.

Taliwas ito sa naunang projection ng Commission on Population and Development (PopCom) na posibleng tumaas ang populasyon ng Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic dala ng quarantine restrictions at limitadong access sa family planning methods.

Hamon sa health care system

“It is clear Filipino women are deciding to delay having children, and families are deferring, or avoiding, to have more kids… since the pandemic has severely impeded health care systems,” paliwanag ni Undersecretary for Population and Development Juan Antonio Perez III sa PNA report.

Dagdag ni Perez, tumaas din ng 400,000 ang bilang ng gumagamit ng family planning services na pumapalo na sa kabuuang bilang na 8 milyon.

Samantala, ayon pa rin sa PSA, bumaba ng 44% ang bilang ng ikinasal noong 2020 na pumalo sa 240,183. Ito ang pinakamababa sa loob ng 20 taon.

(NP)

 

The post Bilang ng ipinanganak sa Pilipinas sa gitna ng pandemya, pinakamababa sa loob ng 34 taon appeared first on News Patrol.



Bilang ng ipinanganak sa Pilipinas sa gitna ng pandemya, pinakamababa sa loob ng 34 taon
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments