(Photo: Christian Heramis)
Nagrally sa harap ng tanggapan ng Department of Health sa Maynila ang samahan ng Filipino Nurses United (FNU) ngayong umaga, Oct. 12.
Ito ay matapos na hindi pa rin natatanggap ng karamihan ang kanilang special risk allowance.
Hinaing din ng mga nurse ang mababang sahod.
Isinisigaw din nila ang karapatan ng mamamayan sa kalusugan at ang seguridad ng bawat healthcare workers.
Ang kanilang pagpoprotesta ay kasabay na rin ng nalalapit na National Nurse Week sa huling linggo ng October.
Kasama ng Filipino Nurses United sa protesta ang mga miyembro mula sa pribado at pampublikong ospital tulad ng St. Lukes Hospital, Metropolitan Medical Center, Jose R. Reyes Memorial Medical Center at iba pa.
Giit pa ng grupo na hindi pa rin natutugunan ng gobyerno ang kanilang mga hinaing.
Hirap na rin aniya ang ilan sa kanilang trabaho bunsod ng COVID-19 pandemic at kakulangan ng health workers sa ospital.
Ayon sa grupo na ilan ay pagod na pagod na dahil ang isang nurse ay 15 ang hawak na pasyente o di kaya naman ay umaabot pa sa 20 pasyente ang kanilang inaalagaan.
Ikinadismaya din ng grupo ang inihain ng DOH sa 2022 budget kung saan kulang ang pondong ilalaaan sa mga tulad nilang healthcare workers.
Iginit nila na insulto ito sa mga katulad nilang nurse lalo na at hindi pa ganap na naibibigay ang nararapat na allowances, hazard pay at iba pang benepisyo sa ilalim ng Bayanihan 2.
(Jocelyn Domenden)


The post Grupo ng mga nurse, naniningil ulit sa gobyerno; pangakong benepisyo, wala pa rin appeared first on News Patrol.
Grupo ng mga nurse, naniningil ulit sa gobyerno; pangakong benepisyo, wala pa rin
Source: Trending Filipino News
0 Comments