Nakapagtala ang Department of Health ng 14,786 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw, October 2.
Dahil dyan ay umakyat na sa 2,580,173 ang kabuuang bilang ng nagkasakit sa bansa dahil sa virus.
Ang kaso ngayong araw ay mas mababa ng mahigit sa 700 kaso kumpara kahapon.
Mayroon namang naitalang 894 na gumaling at 164 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.6% (144,061) ang aktibong kaso, 92.9% (2,397,456) na ang gumaling, at 1.50% (38,656) ang namatay.
Nakapagtala naman ng positivity rate na 22.1% base sa resulta mula sa 68,233 katao na na-test noong Huwebes.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 30, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.12% sa lahat ng samples na naitest at 0.05% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

The post 14,786 na panibagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw Oct.2 appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments