WHO, BINABANTAYAN ANG BAGONG VARIANT NA “MU” GALING SA COLOMBIA

May bagong Covid-19 variant na binabantayan ngayon ang World Health Organization (WHO).

Ito ay ang Coronavirus variant na “MU” o B.1.621 na itinuturing na  “variant of interest” (VOI) ng WHO.

Mino-monitor ng World Health Organization (WHO) ang “Mu” variant na unang natukoy sa Colombia noong January.

Sinabi pa ng WHO na ang variant ay may mga mutation na nagpapahiwatig ng peligro ng paglaban sa mga bakuna at binigyang diin na kailangan ng karagdagang mga pag-aaral upang mas maintindihan ito.

“The Mu variant has a constellation of mutations that indicate potential properties of immune escape,” ayon sa WHO.

Sinabi pa ng ahensya na ang “Mu” variant ay may kaparehang behaviour o katangian gaya ng sa Beta variant.

“Preliminary data showed it has the same behavior as the Beta variant, but this needs to be confirmed by further studies,” ayon pa sa bulletin ng WHO.

Ayon sa international agency, ang paglaganap ng variant na ito ay humina o bumagal sa buong mundo pero patuloy naman itong dumarami sa Colombia at Ecuador.

Sa kasalukuyan, apat na variants of concern ng COVID-19 ang natukoy pa lamang ng WHO , kabilang ang Alpha, na na-detect sa  193 na mga bansa, at Delta, na nasa 170 na mga bansa.

Panlimang variant kasama ang “Mu” naman ang patuloy na mino-monitor.

Matapos itong matukoy sa Colombia, may mga naiulat na ring “Mu” variant sa iba pang mga bansa sa Timog Amerika at sa Europa.

Sinabi ng WHO na ang pandaigdigang  paglaganap ng “MU” ay humina nang  mas mababa sa 0.1 porsyento, pero sa Colombia ay  umabot naman ito sa 39 na porsyento.

(Jocelyn Domenden)

 

 

The post WHO, BINABANTAYAN ANG BAGONG VARIANT NA “MU” GALING SA COLOMBIA appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments