VACCINATION RATE NG MGA GURO NANANATILING MABABA

Umaabot pa lang sa 140,402 ang nabakunahan mula sa target na 800,000 sa hanay ng mga guro hanggang nitong August 11, 2021 kung saan nananatiling mababa ang vaccination rate.

Ayon sa Phiippine Red Cross (PRC), kailangan bigyang  prayoridad ang mga guro sa COVID-19 vaccination.

Sa liham ni PRC Chairman and CEO Senator Dick Gordon kay Deputy Chief Implementer, National Task Force Against Covid19 Sec. Vince Dizon na hindi dapat kalimutan ang ating mga guro dahil sila ay mga bayani.

“We should not forget our teachers. They are heroes. Some have made drastic adjustments teaching remotely through online modules. Others still bear the risk of exposure by delivering modules to nremote places for students who do not have access to the internet,” nakasaad sa liham ng Senador.

Inirekomenda ng Senador na unahin ang mga guro sa vaccination strategy ng national government.

Ang rekomendasyon ni Gordon ay kasunod ng mga serye ng virtual dialogues kasama ang  Red Cross Youth council advisers at  teachers mula sa  Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sinabi ng Senador na nagpahayag sila ng pag-aalala sa mababang vaccination rate sa mga guro lalo na ngayong simula na naman ang klase.

Ang mga guro kasama ang social workers ay dating nauring Priority Eligible B sa ilalim ng COVID-19 Vaccination Program’s prioritization framework.

Matatandang nitong April ng taong kasalukuyan,  ang mga guro at media workers ay na- reclassified na Priority Eligible A at kinonsiderang  frontliners sa laban kontra pandemya.

Maalala na ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ay hinimok ang lahat ng bansa na iprayoridad ang mga guro sa national COVID-19 vaccine rollout plans upang masiguro na ang edukasyon upang matiyak na ang edukasyon ay maaaring magpatuloy ng ligtas at ang mga paaralan ay maaaring manatiling bukas.

Ang pagbabakuna ng mga guro ayon pa kay Gordon ay isang mahalagang bahagi sa pagbibigay ng pag-asa sa face-to-face classes habang ang pagiging epektibo ng online platform at modular tools para sa pag-aaral ay nanatiling may alinlangan.

Binigyang diin pa ng Senador ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga guro sa pagbangon ng bansa laban sa COVID19  kung saan tinitiyak nila ang pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng mga hamon ng pandemic at mai-tag sila na   “frontliners of education.”

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

The post VACCINATION RATE NG MGA GURO NANANATILING MABABA appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments