PCG: BILANG NG MGA NA-STRANDED DAHIL SA BAGYONG JOLINA, NABAWASAN

(Photo courtesy PCG)

Nabawasan na ang bilang ng mga na-stranded batay sa pinakahuling update na namonitor ng Philippine Coast Guard sa gitna ng paghagupit ng bagyong Jolina.

Sa Eastern Visayas, wala nang stranded na pasahero at mga sasakyang pandagat.

Bumaba na rin ang bilang ng mga stranded sa Bicol region, Southern Tagalog at Western Visayas.

Sa kasalukuyan nasa kabuuang 742 pasahero, drivers, at cargo helpers, 15 barko, 358 rolling cargoes at 10 motorbancas na lamang ang stranded sa tatlong rehiyon.

Nananatili naman nakatago sa ligtas na lugar ang  52 barko.

Sa Bicol region, mayroon na lamang stranded na 530 indibidwal, 12 barko at 184 rolling cargoes.

Mayroon namang 159 indibidwal, 3 barko , 10 motorbanca at 148 rolling cargoes ang hindi pa makabiyahe sa Southern Tagalog.

Nanatiling stranded sa Western Visayas ang 53 pasahero , drivers at helpers at 26 na rolling cargoes.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

 

The post PCG: BILANG NG MGA NA-STRANDED DAHIL SA BAGYONG JOLINA, NABAWASAN appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments