NATIONAL ARCHIVE NASUNOG, P800K ANG HALAGA NG PINSALA

(Photo courtesy: BFF-NCR)

Tinatayang aabot sa P800,000 ang halaga ng natupok sa naganap na sunog sa gusali ng Philippine President Lines Ltd madaling araw ng Linggo, September 5, sa  UN Avenue sa Maynila.

Ayon sa  Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog pasado ala 1:00 ng madaling araw sa chief administrative office  sa ika-anim na palapag ng PPL Building na inuukupahan ng National Archive of the Philippines.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na idineklarang fire out ganap na alas 3:03 ng madaling araw.

Wala namang importaneng dokumento ang napinsala sa sunog ayon sa BFP .

Patuloy pang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng pagsiklab ng apoy sa naturang opisina.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

The post NATIONAL ARCHIVE NASUNOG, P800K ANG HALAGA NG PINSALA appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments