MGA NEGOSYANTE, BINATIKOS ANG IATF SA PAGBAWI NG GCQ SA NCR

Binatikos ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang last minute na pagbabago sa desisyon ng gobyerno sa pagpapanatili ng Modified Enhanced Community (MECQ) sa Metro Manila.

Isasailalim na sana sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) simula kahapon, September 8, pero ipinagpaliban ito ng gobyerno.

Giit ni PCCI acting president Edgardo Lacson, malaking gastos ng mga negosyo sa pagpaplano at paghahanda ang nasasayang dahil sa biglaang pagkakansela ng inaasahang pagluluwag ng quarantine protocols.

“Authorities must be prudent in prematurely announcing half-studied policies or policy shifts as they have tremendous impact on business operations and people’s daily lives,” paliwanag niya.

“Authorities must be careful in recklessly raising public expectations that will not be matched by the outcome. There is a risk that it might cause disappointment followed by frustrations and could trigger depression and despair,” dagdag pa ni Lacson.

Ayon sa PCCI chief, ang pagkansela sa implementasyon ng granular lockdown ay nakababawas sa kredibilidad ng mga opisyal sa pag-aanunsyo ng mga polisiya na maaaring maging lubhang mapanganib sa hinaharap.

Una nang isinusulong ng PCCI ang full opening ng ekonomiya kahit pa mabigo sa target na pagbabakuna sa 50% hanggang 100% na populasyon ng bansa para maabot ang herd immunity.

(Toni Tambong)

The post MGA NEGOSYANTE, BINATIKOS ANG IATF SA PAGBAWI NG GCQ SA NCR appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments