MAHIGIT DALAWANG MILYONG PFIZER AT TATLONG MILYONG SINOVAC VACCINES, DUMATING SA BANSA

(Photo courtesy: Danilo Bacolod)

Dumating sa bansa ang 2,020,590 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine kagabi, Linggo, Sept. 19.

Sakay ang nasabing bakuna ng Emirates flight EK2520 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang 11:30 ng gabi.

Ang mahigit dalawang milyong bakuna na ipinadaan sa COVAX ay bahagi ng donasyon ng Amerika sa pangakong 10 milyon Pfizer shots para sa Pilipinas.

Ayon kay IATF Chief Implementor at vaccine czar Carlto Galvez, ang mga bakuna ay dadalin sa mga rehiyon na may mataas na kaso ng COVID-19 partikular na sa mga probinsiya sa Northern Luzon.

Samantala, dumating din ang tatlong milyong Sinovac vaccines bandang alas-6:00 ng gabi na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2.

Umabot na sa 18.2 milyong indibidwal ang kumpletong nabakunahan at nasa  22.77 milyon naman ang nakatanggap ng first dose.

(Toni Tambong)

 

 

 

The post MAHIGIT DALAWANG MILYONG PFIZER AT TATLONG MILYONG SINOVAC VACCINES, DUMATING SA BANSA appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments