(File photo)
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pilot run para sa limitadong face to face classes o in-person classes sa mga lugar na may mababang kaso ng coronavirus.
Ang desisyong ito ang magbibigay-daan para sa muling pagbubukas ng mga eskwelahan sa bansa.
Kabilang ang Pilipinas sa 2 huling bansa sa mundo na wala pang face to face classess bago ang desisyong ito.
March 2020 nang isara ang mga eskwelahan sa bansa at hindi pa nagbubukas hanggang ngayon.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang face-to-face classes ay gagawin muna nang half day at every other week.
Papayagan lamang ang face to face classes sa mga lugar na itinuturong “low risk” sa Covid-19 ng Department of Health at kailangang makapasa sa criteria assessment ng Department of Education.
“This also has to have the support of local governments through a resolution or a letter of support as well as the written consent of parents, ” sabi pa ni Roque.
Sinabi naman ni DEPED Secretary Leonor Briones na magiging limitado ang kapasidad ng mga estudyante para sa naturang set up.
Sa Kindergarten ay tanging 12 learners lamang ang lalahok sa face-to-face classes habang ang nasa Grade 1 to 3 ay kailangang nasa 16 lamang.
Ang mga nasa hanay naman ng technical o vocational learners ay lilimitahan sa 20.
Inaasahang sisimulan ang pilot testing ng face-to-face classes sa loob ng dalawang buwan.
Nasa 120 schools ang iminungkahi ng DepEd para magsagawa ng pilot study.
September 13 nang magsimula ang klase sa bansa.
Remote classes at blended learning ang naging setup ng pag-aaral ng mahigit sa 28. 2 million na estudyante sa bansa.
(with reports from Toni Tambong)
The post LIMITADONG FACE TO FACE CLASSES, INAPRUBAHAN NA SA MGA LUGAR NA MAY MABABANG COVID-19 CASES appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments