(Photo: Mores Heramis)
Nagsawa ng kilos protesta ang mga Madre at mga miyembro ng faculty ng St. Scholastica’s College sa Malate, Maynila upang kondenahin ang kurapsyon kaninang umaga, Sept. 20.
Ang pagkilos ay isinagawa isang araw bago ang paggunita sa 49 taong anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar sa Pilipinas.
Bitbit ang kanilang mga placard nagsaad sila ng panawagan ng publiko na huwag nang iboto ang mga tiwaling politikong at sangkot sa anumang patayan sa darating 2022 national election.
Ayon pa sa kanila hindi na dapat pang maluklok sa kapangyarihan ang mga taong walang pagpapahalaga sa buhay ng tao at karapatang pantao.
Tinapos naman ng grupo ang kanilang pagkilos sa pamamagitan ng isang noise barrage gamit ang mga lata, kawali at kaldero.
(Mores Heramis)
The post KILOS-PROTESTA NG MGA MADRE SA MAYNILA KONTRA MGA TIWALING PUKITIKO; NANAWAGAN NA BUMOTO NANG TAMA SA 2022 appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments