(Photo courtesy: pba.ph)
Hindi na muna matutuloy ang nakatakdang sagupaan ngayong araw, Linggo, September 5, ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts.
Sa inilabas na anunsyo ng Philippine Basketball Association (PBA), kinansela ang laro dahil sa health at safety protocols.
Kahapon,Sabado, September 4, una nang kinansela ng liga ang laban sa pagitan ng San Miguel Beermen at Alaska Aces dahil sa kaparehong dahilan.
Samantala, tuloy naman ang laro sa pagitan ng Terrafirma Dyip at Blackwater Bossing ngayong alas-2:00 ng hapon.
Habang gaganapin ng alas-4:35 ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok – TNT Tropang Giga match na orihinal na naka-schedule ng alas-7:00 ng gabi.
(Toni Tambong)
The post LABAN NG BARANGAY GINEBRA AT MERALCO BOLTS NGAYONG ARAW, KINANSELA appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments