KUMPLETONG BAKUNADO SA PILIPINAS, 15M NA

(File photo)

Umabot na sa mahigit 15 milyong indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa bansa, ayon sa anunsyo ng Malakanyang.

Sa press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi niyang umabot na sa 15,044,354 ang mga kumpletong bakunado sa bansa.

Habang nasa 20.8 milyon naman ang nabakunahan ng first dose. Sa kabuuan ay nasa 35,838,964 COVID-19 vaccine na ang naibabakuna sa bansa.

Layunin ng gobyerno na makapagbakuna ng 70 milyong indibidwal bago matapos ang taon upang makamit ang herd immunity.

Simula noong February ay nakatanggap na ang Pilipinas ng 52.7 Million ng COVID-19 vaccine.

Tantya rin ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. ay nasa 54.5 million pang bakuna ang darating sa bansa sa buwang ito hanggang sa Oktubre.

 

(Toni Tambong)

The post KUMPLETONG BAKUNADO SA PILIPINAS, 15M NA appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments