KILOS PROTESTA IKINASA NG MGA HEALTHCARE WORKERS SA PRIBADONG OSPITAL

(Photo: Christian Heramis)

Ikinasa ang kilos protesta ng mga healthcare workers mula sa mga pribadong hospital sa harap ng Department of Health (DOH).

Ito ay para muling ipanawagan sa pamunuan ng DOH ang mga pangakong allowance at benepisyo na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naibibigay sa ilalim ng Bayanihan 2.

Partikular na nagkasa ng kilos protesta ay ang mga healthcare worker mula sa union ng St Luke’s Medical Center sa Quezon City at UST Hospital sa lungsod ng Maynila.

Katuwang nila sa pagkasa ng kilos protesta ang ibang manggagawa mula sa ibang union at mga urban poor groups na pinangungunahan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas at Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML).

Nabatid na nasa 16 na araw na mula ng i-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Budget and Management (DBM) at DOH na i-release na ang mga allowances ng mga healthcare workers tulad ng Special Risk Allowance, Meal and Transporation Allowance at iba pang benepisyo pero hindi pa rin nila ito natatanggap.

Hiling nila ngayon na patalsikin sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III at managot din siya sa kaniyang mga pagkukulang.

(Christian Heramis)

The post KILOS PROTESTA IKINASA NG MGA HEALTHCARE WORKERS SA PRIBADONG OSPITAL appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments