Bumilis pa ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa Pilipinas nitong August ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, (PSA) Martes, Sept. 7.
Nitong Agosto, umabot sa 4.9% ang inflation rate, ayon kay PSA chief Dennis Mapa sa isang virtual briefing.
Pasok ito sa inilatag na target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 4.1-4.9% range.
Mas mataas ito kumpara sa 4% na naitala noong Hulyo.
Ang mataas na presyo ng LPG, kuryente at ilan pang mga pangunahing bilihin, at ang paghina ng piso ang pinakapangunahing dahilan ng inflation rate.
(Toni Tambong)
The post INFLATION RATE O ANTAS NG TAAS-PRESYO SA BANSA, BUMILIS PA NOONG AGOSTO appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments