Tinaasan pa ang target population para sa herd immunity dahil sa panganib na dulot ng Delta variant ayon kay Vaccine czar Carlito Galvez.
Sinabi ni Galvez na makakamit lang ng Pilipinas ang herd immunity kung 80 hanggang 90 porsyento na ng mga Pinoy ang bakunado laban sa COVID-19.
“Nakikita po natin na mostly baka po yung herd immunity, dahil kasi nga po doon sa Delta variant, baka iangat po natin ng 80 to 90 percent, yun po ang pagkakasabi ng maraming experts na para antas na maparoteksyonan ang ating population ay iakyat natin ng 80 to 90 percent,” pahayag ni Galvez.
Umaasa aniya ang pamahalaan na mabakunahan ang 77 milyong Pilipino bago matapos ang taon at umabot sa 90 milyon ang bakunado sa first quarter ng 2022.
“So yung target natin na 77 million, baka siguro 90 million na Filipinos po ang talagang itatarget po namin before the end of 1st quarter (2022). So yung 77 million, pipilitin po namin na end of the year, tapos yung tinatawag namin na herd immunity na 90 percent, first quarter 2022.” dagdag pa ni Galvez.
Ayon pa kay Galvez, mayroong stable na suplay ng bakuna ang bansa mula sa Pfizer at Sinovac.
“Wag po kayo mag-alaala dahil kasi yung Pfizer po natin stable po yung ating supply and also yung Sinovac.”saad pa ng vaccine czar.
Sinabi rin ni Galvez na maraming bakuna ang inaasahang darating sa bansa sa mga susunod na buwan.
(Toni Tambong)
The post HERD IMMUNITY TARGET, ITINAAS NG GOBYERNO SA 80-90% NG POPULASYON appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments