(Photo courtesy: PDEA)
Nasabat ang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu at tatlong tao ang naaresto sa buy bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Muntinlupa City, kahapon, Miyerkoles, August 25.
Aabot sa 500 grams ang nakuha sa mga suspek na kinilalang sina Vilma Maritana, 51 anyos, Richard Flaminian, 59 anyos at Bricks Marhana 18 anyos pawang mga residente ng Cupang, Muntinlupa City.
Base sa ulat ni PDEA Central Luzon Regional Director Bryan Babang, dakong alas 4:30 ng hapon ng maganap ang buy bust operation sa parking lot ng isang mall sa Alabang kung saan nakipagkita ang mga suspek sa mga operatiba na nagpanggap na poseur buyer.
Agad inaresto ang tatlo ng positibong nakabili ng shabu ang poseur buyer.
Narekober sa kanila ang isang small plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 ang mga suspek.
(Mores Heramis)
The post P3.4 MILYONG SHABU NASABAT SA BUY BUST SA MUNTINLUPA CITY appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments