Nung gradeschool at high school ako, never ako bumida sa mga art classes. Feeling ko walang talent ang kamay ko sa drawing , painting o basta pagdating sa arts and crafts. (sa iba magaling ang aking mga kamay!) Minsan pa nga nagpapagawa pa ako sa classmate ko pag ganyang klaseng project ang kailangang isubmit. (kapalit ay kiss ko! nasa exclusive for boys school kami ha!)
Nasa kolehiyo na ako nang mahilig ako tumingin ng mga artworks. (nakiki-usyoso lang!) Natutuwa ako kapag may mga nakikita akong painting sa pader . Pinangarap kong magkaroon ng mga ididisplay sa kwarto ko. (habang may katabi sa kama. Chos!)

Nung maging radio jock ako, dun ako nagsimula bumili bili ng pakonti-konting artwork na kaya ng budget ko, hanggang sa medyo dumadami na. (medyo umaadik levels na!)

Illilumination, acrylic on paper, 10.5×6

Emergence Of Abundance, acrylic on paper, 10.5×6
Una kong naging paborito ay mga painting na ang tema ay harvest at fishing. Good vibes kasi sila, simbolo ng abundance. Kinahiligan ko rin ang mga nude paintings ng babae. (oo babae, hindi lalaki. Here comes the lesbian in me!) Paborito ko pa rin mga yan, pero siempre may mga dagdag pang tema, depende kung ito ay pumupukaw ng aking puso’t kaluluwa. (pati kaluluwa dinamay!)
Naging tambay din ako ng mga art gallery at naiimbitahang mag-ribbong cutting sa mga art exhibit. (feeling sowsyal!) Parang nangininig talaga kalamnan ko kapag nakakakita ako ng mga artwork. (daig pa yung pag nakakakita ako ng boys!)

Awakening Of The Soul, acrylic on paper, 10.5×6

Spiritual Transformation, acrylic on paper, 10.5×6
2018 nang maisipan kong umattend sa isang art class ng isang gallery. (trip trip lang!) May natutunan ako pero hindi ako happy sa resulta ng mga gawa ko sa klase. Kaya isang gabi, bago matulog, sinubukan kong mag-experiment ng sarili kong style. (abstract at may pagka mixed media ganyan!) This time parang may ligaya akong naramdaman. Dinala ko ang gawa ko sa kaibigang art gallery owner at collector. Nagandahan daw sya (o baka inuuto lang ako) at nagvolunteer na ipa-frame ang gawa ko. Siempre pagkaframe pinost ko sa social media accounts ko. Dun na nagkaroon ng interest ang ilang mga tao. Ilan sa kanila ay mga kaibigan, mga katrabaho sa industriya at mga collector. (feeling artist ako ha!) Kaya kinailangang ko pang gumawa pa ng mas marami. Tinawag ko na ang mga ito na “The Art of FU”. (ang arte arte ko!)
Makikita ang The Art of FU sa Facebook page ng Republic Art Gallery at sa instagram account na @theartoffu (susunod makikita na yan sa National Museum! National Museum daw o!)
(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 9pm-12mn, Mondays to Fridays. Twitter/IG: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu the star dj. Youtube/FB: WTFu. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )
The post WHAT’S THE FUss? WITH MR. FU : THE ART OF FU appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments