KARAGDAGANG BAKUNA PARA SA MANUFACTURING AT CONSTRUCTION INDUSTRY, APRUBADO NA NG NTF

Inaprubahan na ng National Task Force Against (NTF) Covid -19 ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa karagdagang bakuna ng mga manggagawa  sa mga industriya na aktibo sa ekonomiya.

Pinuri ni Labor Secretary Silvestre Bello ang hakbang para mapabilis ang muling  pagbubukas  ng ekonomiya at pagpapalakas sa proteksyon ng mga manggagawa sa industriya ng  manufacturing at construction .

“I sincerely thank vaccine czar Secretary Carlito Galvez  Jr. for his positive and immediate response on our urgent request,” ayon pa kay  Bello.

Sinabi pa ni Bello na may kabuuang  452,000 doses ang ilalaan para sa factory workers sa  Regions 4A, 3 at 7 at  construction workers sa  National Capital Region (NCR).

Kinilala ni Bello ang mga hamon sa pagbibigay ng mga bakuna ngunit sinabing  kailangan nang maglaan ng supply para sa mga manggagawa na aktibong nag-aambag sa ekonomiya.

“We believe doing this would speed up economic recovery,” pahayag pa ng kalihim.

Ayon pa kay Bello, ang dating 11.8 percent na paglaki sa kabuuan ng pambansang produkto ng bansa ay binibigyang-diin ang pangangailangan na magbakuna sa aktibong miyembro ng ekonomiya.

“This is particularly true to the manufacturing and construction sectors that contributed much to that growth,” dagdag pa ni Bello.

(Jocelyn Domenden)

The post KARAGDAGANG BAKUNA PARA SA MANUFACTURING AT CONSTRUCTION INDUSTRY, APRUBADO NA NG NTF appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments