Nagsagawa ng noise barrage ang mga health worker ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) sa harap ng kanilang hospital lobby upang ipanawagan ang paglabas ng kanilang mga benepisyo.
Hinamon ni JRRMMC Employees Union-Alliance of Health Workers (JRRMMCEU-AHW) Vice President John Paul Gubaton si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na i-release na ang natitirang 70 percent o P39.2 million budget para sa health workers’ accommodation at transportation allowance para sa buwan ng September hanggang December 2020.
Ang JRRMMC ay nakatanggap lamang ng 30 porsyento ng mga pondong inilaan para sa meals, accomodation at transportation allowance (MAT) ng mga health worker simula noong September hanggang December 2020.
Ayon sa grupo ng health workers ay pinigil ng DOH ang paglalabas ng natitirang 70 porsyento ng kanilang pondo.
Humihiling ang health workers sa agarang pag-release ng 70 percent ng pondo para sa September hanggang December 2020 na nakalaan para sa meals, accomodation at transportation (MAT) benefit para sa lahat ng health workers/.
Kasama rin sa hinihingi nila ang pag-release ng hazard duty pay sa lahat ng public health workers mula January hanggang June 2021 at pag-release ng special risk allowance (SRA) sa lahat ng health workers.
Noong August 11, pinuna ng Commission on Audit (COA) ang DOH kaugnay sa P67 billion “deficiencies” mula sa COVID-19 funds, kabilang ang P11.9 bilyong pondo na hindi nagamit para sa SRA at hazard pay na inilaan para sa health workers.
Agad namang inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health na ibigay na ang mga benepisyo ng health care workers. Binigyan niya ng sampung araw para ibigay ang Special Risk Allowance ng mga Health Care Worker.
Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na makasusunod siya sa 10 araw ultimatum na ibinigay Pangulong Rodrigo Duterte para ipamigay ang Special Risk Allowance at kompensasyon ng health workers.
Kahapon, inilabas na ng Department of Budget and Management and P311-milyong pondo na hinihingi ng DOH para sa 20,156 na health workers.
Ayon sa Pangulo, gamitin na ng DOH at DBM ang ano mang natitirang pera at ibayad sa mga health workers.
“Within your prescribed deadline of 10 days, DBM will release the SARO (Special Allotment Release Order) tomorrow. We’ve been following it up to them and also the contingent fund… We are committed to deliver it in the said time frame you indicated,” ayon pa kay Duque sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, Martes, August 24.
(Jocelyn Domenden/Toni Tambong)
The post HEALTH WORKERS NG JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER, NAGSAGAWA NG NOISE BARRAGE; MGA BENEPISYO, IBIGAY NA! appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments