Unclaimed passports na nai-release hanggang Dec. 2020, malapit nang kanselahin ng DFA

(Photo courtesy: DFA)

Kakanselahin na ng Department of Foreign Affairs (DFA) simula January 10, 2022 ang mga hindi pa nakukuhang passport na nauna nang i-release hanggang December 2020.

Mayroon na lamang hanggang January 7, 2022 ang mga indibdiwal para i-claim ang mga pasaporteng hindi pa kinukuha sa DFA Consular Office.

Para naman sa mga hindi makakukuha ng kanilang passport, kakailanganing mag-file ng bagong passport application.

Kailangan din kumuha ng ‘certificate of unclaimed passport’ galing sa DFA Aseana o DFA Consular Office na nagproseso.

Nakabase ang nasabing anunsyo sa Department Order No. 2021-012 o Disposal of Unclaimed and Spoiled Passports.

Nakasaad dito na ang pasaporte na hindi nakuha ng holder makalipas ang isang taon mula nang tinanggap ng DFA Aseana, Consular Office o Foreign Services Post (FSP) ay kailangan ikansela.

Nilinaw ng DFA na hindi kasali rito ang mga passport na nailabas pagkatapos ng December 2020.

(Toni Tambong)

The post Unclaimed passports na nai-release hanggang Dec. 2020, malapit nang kanselahin ng DFA appeared first on News Patrol.



Unclaimed passports na nai-release hanggang Dec. 2020, malapit nang kanselahin ng DFA
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments