Sim card registration bill lusot na sa Kamara

(Photo courtesy: Pixabay)

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang naglalayong irehistro ang mga SIM card.

Sa botong 181-6-0, inaprubahan ang House Bill 5793 sa plenary session.

Layunin ng panukala na tulungan ang mga otoridad sa pagtunton sa mga kriminal na ginagamit ang kanilang mobile phones upang magsagawa ng mga aktibidad na labag sa batas.

Layon din ng panukalang batas na magtatag ng sistema ng pagbebenta at pagrerehistro sa mga SIM card sa lahat ng mga gumagamit nito sa pamamagitan isang registration form na ise-set up sa mga mobile phone.

Inaatasan din ng panukala ang lahat ng public telecommunications entities na humingi ng valid ID na may larawan sa mga gumagamit ng SIM card upang mapatunayan ang kanilang pagkakakilanlan.

Kailangan ding pumirma ng end user sa control-numbered registration mula sa PTE ng biniling sim card.

Sa ilalim ng panukala, kailangan ding irehistro ng foreign nationals ang kanilang SIM cards.

Kailangan ding ibigay ang mga sumusunod na impormasyon: buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian at tirahan ng end user.

Sa ilalim ng confidentiality clause, lahat ng impormasyon sa sim card ay “absolutely confidential,” maliban na lamang kung mayroong written consent ng subscriber.

(Toni Tambong)

The post Sim card registration bill lusot na sa Kamara appeared first on News Patrol.



Sim card registration bill lusot na sa Kamara
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments