(File)
Mahigit 100 thousand o halos 95 percent na persons deprived of liberty (PDL), o iyong mga nasa bilangguan, ang nabakunahan na laban sa Covid-19, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sa kabuuan, nasa 119,070 0 94.81 percent na ang bakunado sa mga PDLs.
Sa nasabing bilang, 95,813 na ang fully vaccinated, ayon pa sa BJMP.
Sa isang virtual press conference, sinabi ni BJMP spokesperson Chief Inspector Xavier Solda, nasa 125,589 PDLs ang kabuuang bilang na nasa pangangalaga nila.
Dagdag pa ni Solda na target na bakunahang ang natitirang PDLs bago matapos ang 2021.
“The strict observance of health protocols and the immediate creation of Ligtas COVID Centers to isolate PDL with COVID-like symptoms helped us a lot in our COVID-19 management,” pahayag pa niya.
Dagdag pa ni Solda, isang kaso lamang ng COVID-19 ang kasalukuyang naitala sa PDLs at ito umano ang ika-walong araw na walang naiulat na kaso ng virus sa BJMP.
Nakapagtala ang BJMP ng 4,672 kaso ng COVID-19 sa PDLs mula Marso 2020, kung saan 4,552 ang gumaling na.
50 PDLs na may comorbidities naman ang namatay sanhi ng virus.
“Despite these significant improvements in our COVID-19 management in jails, patuloy pa rin po kaming maghihigpit sa aming mga health and security protocols sa jails. Patuloy pa rin po kaming magsisipag sa pagbabantay ng aming mga pasilidad at magmamalasakit para sa kapakanan ng aming mga PDL,” giit ni Solda.
Nagpasalamat ang BJMP sa Department of Health, Department of the Interior and Local Government, local government executives at health units, International Committee of the Red Cross, at sa European Union at GoJust Project nito para sa suporta at gabay sa pagbabakuna sa PDLs.
(Toni Tambong)
The post Bakunadong PDL’s halos 95% na, ayon sa BJMP appeared first on News Patrol.
Bakunadong PDL’s halos 95% na, ayon sa BJMP
Source: Trending Filipino News
0 Comments