Naitala ng San Juan City ang pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 kahapon, Dec. 3. Pumalo ito sa 16 active cases.
“This is the lowest number of cases we have recorded ever since COVID-19 started in March of 2020,” ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora.
Sinimulan na rin ng pamahalaang lungsod ang pagbibigay ng booster shots para sa qualified essential workers at indigent population.
Ito ay ang mga 18 taong gulang pataas na ang pangalawang dose ay lampas na sa anim na buwan para sa lahat ng brand ng bakuna maliban sa Janssen.
Ang mga nakatanggap ng single-dose Janssen vaccine ay maaaring tumanggap ng booster shot matapos ang tatlong buwan matapos mabakunahan.
Base sa datos ng Department of Health, 37,568,088 indibidwal na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 kung saan 443,985 ang nakatanggap ng booster shots hanggang nitong December 3.
(Jocelyn Domenden)
The post San Juan City nakapagtala ng pinakamababang bilang ng COVID-19 cases mula March 2020 appeared first on News Patrol.
San Juan City nakapagtala ng pinakamababang bilang ng COVID-19 cases mula March 2020
Source: Trending Filipino News
0 Comments